top of page
Pokwang.jpg

Lolo tinanggalan ng mata, itinapon sa estero

Mylene Alfonso
Jul 19, 2019
1 min read

INILUWA ng Estero de Sunog Apog ang isang matandang lalaki na tinanggalan ng mata at hinihinalang biktima ng summary execution, kahapon ng umaga malapit sa Del Fiero Bridge, Gagalangin, Tondo, Manila.

Inilarawan ni PCpl. Mark Daniel de Guzman, ang hindi nakilalang biktima na nasa edad 50-60, naka-t-shirt na maroon, gray na pantalon at kapansin-pansin na tinanggalan ng kaliwang mata at may sugat sa noo.

Alas-6:30 ng umaga nang mamataan ng 13-anyos na mangangalakal, ang lumulutang na bangkay sa dulo ng barge na nakadaong sa Estero de Sunog Apog.

Agad itong ipinaalam sa barangay tanod na si Ruben Gonzales na siyang nag-ahon sa bangkay gamit ang improvised net.

Dinala ang bangkay sa Archangel Funeral Homes para sa awtopsiya at safekeeping.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page