Kung si Vice, todo-proud kay Kuya Escort… HIRIT NG PADIR NG EX-GF: ION, TAMBAY LANG, WALANG MARARATI
- BULGAR

- Jul 19, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

BAGO makilala bilang Kuya Escort si Ion Perez, grabe pala ang pinagdaanan niya noong nagsisimula pa lang siya.
Sa guesting niya sa show nina Melai Cantiveros, Karla Estrada at Jolina Magdangal na Magandang Buhay, ikinuwento ni Ion na kinukutya raw siya ng kanyang sariling kamag-anak at ama ng kanyang ex-girlfriend.
Kuwento ni Ion, “Lagi nilang sinasabi, pabigat daw ako kay nanay. Wala raw akong mararating sa buhay.”
Ito naman daw ang narinig niyang pangungutya mula sa tatay ng kanyang ex-GF, “Wala raw kinabukasan sa akin ‘yung anak niya na tambay lang daw ako. Talagang lagi ‘yan ang sinasabi nila sa akin na wala akong mararating sa buhay.”
Ngayon, maraming madlang pipol ang pinapasaya ni Ion dahil sa pagiging Kuya Escort niya sa noontime show na It’s Showtime. Bukod pa rito, kinagigiliwan din ng manonood ang tambalan nila ni Vice Ganda, kung saan nakakapag-show na rin siya sa iba’t ibang bansa kasama ang Unkabogable Star.
Ano na kaya ang masasabi ng mga dating nangutya kay Ion?





Comments