KELOT NAGBIGTI SA BAHAY
Pabs Hernandez III
Jul 19, 2019
1 min read
CEBU—Isang lalaki ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbigti, kamakalawa sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Subangdaku, Mandaue City sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Meliton Lastimosa, nakatira sa naturang barangay.
Nabatid na ilang kamag-anak ni Lastimosa ang nakatagpo sa nakabiting bangkay nito sa loob ng kanilang bahay.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng biktima sa kanyang pagpapakamatay.





Comments