top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

2 LULAN NG MOTOR, TEPOK SA BUS

Pabs Hernandez III
Jul 19, 2019
1 min read

CAMARINES SUR—Dalawang lalaki ang namatay nang aksidenteng mabangga ng pampasaherong bus ang kinalululanan nilang motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Liboro, Ragay sa lalawigang ito.

Isa sa dalawang nasawi ang nakilala sa pangalang Joey Ortila, samantalang, inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng isa pang biktima.

Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng bus na minamaneho ng hindi pinangalanang driver kaya aksidenteng nabangga ang motorsiklong minamaneho ni Ortila at kaangkas ang isa pang biktima.

Dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in double homicide ang driver ng bus.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page