Singer, shocked! LEA, IBINULGAR SA SOCMED ANG GINAWA SA KANYA NG FAN HABANG NAGDI-DINNER
- BULGAR

- Jul 18, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY FILES

IBINAHAGI ni Lea Salonga ang thank you letter na iniwan ng isang ‘di niya kilalang tao.
Ayon sa singer, nasa isang dinner meeting siya nang may biglang mag-iwan ng letter sa kanilang table. Tinawag niyang ‘ninja’ ang nag-iwan ng letter.
Ang short note ay nagsasaad ng pasasalamat dahil sa magandang rendition niya sa awiting I Had a Dream.
Saad pa ng note sender, tanging si Lea ang nakitaan niya ng finest rendition ng nasabing awitin among all the singers at pinasasalamatan niya ang mahusay na singer dahil dito.
Kinunan ni Lea ang nasabing note ng ‘ninja’ at ibinahagi sa kanyang social media account.
Pinasalamatan din niya ito kung sinuman ito.





Comments