top of page

Past is past daw, nakuha na niya ang gusto, single na ngayon… SUNSHINE, SUKANG-SUKANG BANGGITIN ANG

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 18, 2019
  • 3 min read

GINULAT kami ng mga eksena nina Sunshine Cruz at Enzo Pineda sa trailer ng kanilang May-December affair-themed movie na Malamaya na entry nila sa 15th Cine­malaya Philippine Independent Film Festival sa August 2 to 13 na mapapanood sa Cultural Center of the Phils..

May pa-hello ng puwet si Enzo sa love scene nila ni Sunshine, habang ang sexy pa ring aktres ay may ekse­nang on top ni Enzo at siya talaga ang ‘working girl’!

Kaya naman hiningan agad namin ng reaksiyon ang lead stars ng Malamaya sa ginanap na presscon nito nu’ng Martes sa Anabel’s Resto.

Sabi ni Enzo, ‘di naman nahirapan ang mga producers ng film (Spears Films, ALV Films and Cine Likha) at sina Direk Danica Sta. Lucia at Leilani Chavez na kumbinsihin siyang gampanan ang role ng younger man na si Migs na maiinlab sa 45-year-old unmarried visual artist na si Nora (Sunshine).

Sa simula pa lang daw, alam na ni Enzo ang mga ekse­nang gagawin nila ni Sunshine kaya na-challenge siyang mag-workout nang 3 months para gumanda ang katawan at hindi mapahiya sa scene na hubo’t hubad siya at na-sight nga ang kalahating pisngi ng puwet niya.

Ang katwiran ni Enzo, gusto niyang ma-challenge ang sarili sa kaya niyang ibigay bilang aktor kaya siya pa raw ang nag-volunteer na gawin ang naturang eye-catching scene.

Bagama’t mas una namang nakilala si Sunshine bilang sexy star nu’ng kanyang kabataan, medyo shocking pa rin para sa marami na binalikan niya ang pagpapa-sexy, at eto nga, may eksena siyang nasa ibabaw ni Enzo!

Curious kaming tinanong si Shine kung ano’ng naging reaksiyon ng kanyang ‘tres Marias’ na mga dalaga na rin ngayon nang malamang gagawin niya ang role. Ipapapanood ba niya sa mga teen-agers na anak ang Malamaya?

Sagot ni Sunshine, na incidentally ay birthday today, “I told them and they understand naman kasi na bilang isang artista, meron tayong mga eksena na kaila­ngan nating gawin na ikagaganda ng movie. They’ll be with me sa gala night.”

Dagdag pa ng 42-year-old actress, “‘Yung una ngang teaser na lumabas, they’re very proud of me. Sabi nga nila, it’s so indie, so beautiful!

“They are open-minded. Alam naman nila, eh, kahit ‘yung past before, what I did sa films, hindi ko hinayaan na malaman pa nila sa ibang tao, ako na mismo ang nagsabi sa kanila. And I had to explain… the kids right now are very smart. Hindi sila judgmental.

“Basta nakakatuwa lang talaga na sabi ko nga, kung ‘di man nag-work ‘yung marriage ko, I was given three beautiful, smart children who support and love me,” very happy pang sabi ni Shine.

When asked naman kung ipapapanood din niya ito sa ex-husband niyang si Cesar Montano, sagot ni Shine, “‘Wag na lang nating pag-usapan. Past is past. Basta nakuha ko na ang gusto ko. I am now annulled and single again, ‘yun na lang.”

Ayaw na ngang pag-usapan ni Shine si Cesar, at napansin naming not even once niyang nabanggit ang name nito. “Ex-husband” na lang talaga kung i-address niya ngayon si Buboy.

Kasama rin nina Shine at Enzo sa Malamaya si Raymond Bagatsing at nang tanungin namin kung ano’ng challenge ng role niya, aniya, mas na-challenge siya kung paanong hindi siya masasapawan ni Enzo sa pagpapakita nito ng abs at magandang katawan.

So, may effort din si Raymond na mag-workout para sa love scenes nila ni Sunshine, at ewan lang namin kung daring din ang kanilang mga eksena tulad ng ginawa nina Shine at Enzo.

After ng Cinemalaya Filmfest, may commercial run ang Malamaya na magsisimula sa August 14.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page