top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mga opisyal, residente sa Baseco binalaan | SECRET DUMPSITE, BUKING

Mylene Alfonso
Jul 18, 2019
1 min read

UMAPELA sa mga ba­rangay official at residente ng Baseco na isaayos ang kanilang mga basura kasabay ng pahayag na pag-aaralan ang paglalagay ng mga ta­mang palikuran sa lugar.

Una rito, bumisita si Manila Mayor Isko Moreno sa Baywalk area ng Manila Bay kung saan kanyang ki­nu­musta ang kalagayan ng basura sa gitna ng ulan at ma­lalakas na hampas ng alon, ang planong paglalagay ng 50-meter beach sa isang ba­hagi ng Manila Bay area.

Aniya, malaking pagba­bago ang kakaunting basura na dinala ng alon sa dalam­pasigan kumpara sa dating sitwasyon.

Kaugnay sa sitwasyon sa Baseco, madalas naiuulat na karamihan sa mga resi­dente ay sa dagat nagtatapon ng basura o dumudumi.

“There was a time may nakita na secret dumpsite sa Baseco, kesa managot sila sa batas dala ng kapaba­yaan, tayo ay nananawagan sa barangay officials na panatili­hing malinis. Second, sa mga nakatira, kung pu­wede makisuyo na ‘yung mga basura nila ay ilagay sa tamang sisidlan para naman pagdaan ng trak ng basura, ito ay mapayapa at maayos na hinahakot.” ayon sa alkalde.

Tiniyak naman na maki­kiisa ang pamahalaang-Lung­sod ng Maynila sa pagsisi­kap ng administrasyon ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte at Department of Environ­ment and Natural Resources na malinis nang husto ang Ma­nila Bay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page