top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Katoma pinagbabaril | PARAK NAGBARIL SA ULO, PATAY

  • Levi Gonzales
  • Jul 18, 2019
  • 1 min read

DALA marahil ng sob­rang kalasingan kaya pinag­babaril at napatay ng isang pulis ang kanyang kainuman bago nagbaril sa ulo sa Bgy. Marinig, Cabuyao City, La­guna.

Alas-5:45 ng hapon, nag-iinuman ang biktimang si Re­gie Sosangyo at ang suspek na si PCpl. Isagani dela Cruz, nakatalaga sa Caloocan City Police Station at kapwa resi­dente sa naturang lugar.

Makalipas ang ilang oras, nagtalo ang dalawa hanggang sa bumunot ng baril ang suspek saka pinagbabaril ang biktima.

Agad pumasok ng ka­nilang bahay ang suspek at nakarinig na lamang ang ilang testigo ng isang putok. Nadiskubre ng asawa ng suspek ang duguang wala ng buhay na nakahandusay sa sahig.

Inaalam pa ng imbestiga­dor ang dahilan ng kanilang away.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page