Huli sa akto | SEXBOMB GIRL, KULONG SA SHABU

ARESTADO sa buy-bust operation ang dating miyembro ng SexBomb Girls at dalawa pa nitong kasamahan sa Bgy. San Nicolas, San Pablo City, Laguna.
Kinilala ang mga suspek na sina Sheena Joana Rono Uypico, 34, dating miyemvro ng SexBomb Girls; Melrose Rono Uyico, 32, at Elmer Senores, 40, pawang mga residente ng Bgy. San Gabriel.
Nakuha mula sa kanila ang anim na sachets ng shabu na nagkakahalagang P40,000, P1,000 marked money, mobile phone, Toyota Corolla Sedan at P4,000 cash.
Ikinasa ang nasabing operasyon matapos magpositibo ang tatlo na sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga.





Comments