Baril, iba pang gamit tinangay | SEKYU NIRATRAT NG RIDING-IN-TANDEM, UTAS
- Levi Gonzales
- Jul 18, 2019
- 1 min read

DUGUAN at wala ng buhay nang madiskubre ang bangkay ng isang security guard na nakahandusay sa kanyang pinapasukang trabaho sa Bgy. Balagtas, Batangas City.
Sa inisyal na imbestigasyon, abala sa kanyang trabaho bilang guwardiya sa Maquiling Builders Depot si Junifer Rona, nang bigla umanong sumulpot ang riding-in-tandem at pinagbabaril ito.
Tinangay ng mga suspek ang baril at personal na gamit ni Rona.
Inaalam naman kung may kaugnayan sa love triangle ang motibo sa krimen o may iba pang dahilan sa krimen.





Comments