Aktor, 'di raw mabubuhay nang walang babae… KAMPO NI JULIE ANNE, 'DI NA NA-SHOCKED NA MAY BA


KUNG nasasaktan man si Julie Anne San Jose sa naglalabasang larawan ng ex-BF niyang si Benjamin Alves sa social media kasama ang isang magandang modelo, hindi siya kinakikitaan ng lungkot.
Magaling siyang magtago ng kanyang emosyon. Hindi siya kinababakasan ng lungkot kapag nagso-show. Dedma at hindi siya nagpapaapekto ngayong inilantad na ni Benjamin ang bago nitong girlfriend.
Nanggigigil man ang mga tagahanga ng Asia’s Sweetheart, hindi na sila nagtaka at nagulat na may nakuha nang kapalit ni Julie Anne si Benjamin. Expected na raw nila ‘yun dahil sanay na ang aktor na may love life parati.
Nakikisimpatya pa rin sila kay Julie Anne na ang tanging nagawang kamalian lang ay ang magmahal nang todo-todo at nagtiwala sa isang lalaking hindi deserve na mahalin.
Mabuti na lang at super busy ngayon si Julie Anne sa Studio 7 at sa nalalapit niyang big concert sa The Theater Solaire, ang Julie Anne Sings The Divas. Si Louie Ignacio ang producer at magdidirek ng nasabing concert.





Comments