6 pang kasamahan inararo | INTERNET INSTALLER DEDBOL SA TRAK

PATAY ang isang internet installer habang anim na kasamahan ang sugatan matapos silang salpukin ng dump truck sa Bgy. Wack-Wack, Mandaluyong City, kamakalawa.
Agad dinala sa ospital ang mga biktima subalit, nasawi si Jayzel Arada, 28, empleyado ng internet provider na Source Telecommunication Company.
Sugatan naman sina Joseph Broñola, 27, na nagtamo ng bone collar fracture; Julius Miranda, 30, na nagka-fracture sa sakong; Jonard Broñola, 24, na nagkaroon ng skin and tissue laceration at sina Rolly Balberan, 27; Rene Deus Reyes, 26, at Leo Amora, 51, na pawang nagtamo ng sugat sa ulo.
Nakatakas naman ang driver ng dump truck na si Raul Petervo.
Base sa kuha ng CCTV, bago ang insidente ay nagkakabit ng fiber optic cable ang mga biktima nang bigla silang araruhin ng dump truck.





Comments