‘Duterte magic‘ sa speakership, epektib


MATAPOS iendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang susunod na Speaker ng Kamara, lumalabas na si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano rin umano ang pinili ng nakararaming Pilipino para sa posisyon.
Sa survey ng Pulse Asia noong Marso, 44% ang bumoto para sa dating senador.
Kasunod sa listahan sina dating VP Jejomar Binay, 16%; dating Speaker Pantaleon Alvarez, 12%; Rep. Martin Romualdez, 5% at Rep. Lord Allan Velasco, 1%.
Sa survey nitong Hunyo, 65% ang kay Cayetano; habang sina Alvarez, 13%; Romualdez, 8%; at 6% kay Velasco. Ang iba ay nakakuha ng 0.1 percent.
Ang resulta ng mga survey ay nakabase sa panayam sa 1,200 representative adults edad 18 pataas.
Matatandaang, inendorso ni P-Duterte si Rep. Cayetano na may kakayahan umanong maging tulay sa Senado, Kamara, Palasyo at maging sa ugnayang panlabas. (BRT)





Comments