Sub-leader ng Sayyaf pumalag sa warrant, utas

TODAS ang umano’y sub-leader ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa panibagong engkuwentro sa Lantawan, Basilan.
Ayon kay B/Gen. Fernando Reyeg, isisilbi sana ng mga tauhan ang warrant of arrest kay Arod Wahing sa Bgy. Parian Baunoh subalit, bumunot umano ito ng baril at nakipagbarilan.
Nakumpiska sa napatay na suspek ang kalibre .45 na baril.
Wala namang nasaktan sa tropa ng pamahalaan.
Samantala, dalawang hinihinalang kasamahan ni Wahing ang hinuli rin at nakuhanan ng M1 garand rifle at granada.
Si Wahing ay tauhan ni ASG Leader Radullan Sahiron.





Comments