top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

SSC STAGS, 2-0 NA, TINALO ANG MAPUA CARDINALS

A. Servinio
Jul 17, 2019
1 min read

NAKIBAHAGI ang San Sebastian College sa liderato ng 95th National Collegiate Athletic Association (NCAA) matapos nilang buwagin ang Mapua University, 92-68, Martes ng hapon sa FilOil Flying V Centre. Ito na ang ikalawang sunod na panalo ng Stags at pinantayan nila ang 2-0 kartada ng defending champion San Beda University.

Si RK Ilagan ang muling namuno sa tagumpay ng Stags sa kanyang 20 puntos at walong assists. Sumunod si Allyn Bulanadi na may 16 puntos at limang rebounds. ”Umiikot ang bola kaya anim sa amin ang naka-10 puntos o mahigit,” wika ni Coach Edgar Macaraya. “Maghahanda na kami ng mabuti para sa susunod na linggo, kung saan haharapin namin ang Lyceum at San Beda.” Sa unang laro, itinala ng Colegio de San Juan de Letran ang kanilang ikalawang sunod na panalo kontra sa Jose Rizal University, 55-43.

Umangat ang Knights sa 2-1 habang lalong nabaon sa ilalim ng liga ang Heavy Bombers sa 0-3. Ibinuhos ni Edson Batiller ang lahat ng kanyang 14 puntos sa first half pa lang upang itulak ang Letran sa 30-17 na kalamangan. Kahit hindi na pumuntos si Batiller, hindi ito naging problema at nagtulungan ang kanyang mga kakampi na lalong lumayo. Nag-ambag ng 8 puntos at 5 rebounds si Renato Ular. Sinundan siya nina rookie Paolo Javillonar na may pitong puntos at Jerrick Balanza na may anim na puntos. Sa mga laro sa Juniors Division, tinambakan ng JRU Light Bombers ang Letran Squires, 85-69. Ibinigay ng SSC Staglets ang ikalawang sunod na talo sa defending champion Mapua Red Robins, 64-62.

Laro sa Huwebes – EAC-Manila Sports Center

4:00 San Beda vs. EAC

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page