top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

PHILRACOM 4-YR-OLD & ABOVE LOCALLY BRED

Ding Taboy
Jul 17, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

BIBITAWAN sa darating na Linggo ang 2019 Philracom 4-Year-Old & Above Locally Bred sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI), sa Malvar, Batangas.

Bukas sa lahat ng 4-Year-Old & Above Locally Bred na kabayo na sumali sa karerang nabanggit kasabay ng pag-arangkada ng 2019 Philracom 3rd Leg Triple Crown Stakes Race, 2019 Philracom Hopeful Stakes Race at 3-Year-Old Locally Bred Stakes Race sa Hulyo 21.

Tatanggap ng P.3 milyon ang magiging kampeon, habang tatanggap ang 2nd Place ng P112,500 at may naghihintay na P62,500 para sa 3rd place at mag-uuwi ng P25,000 ang 4th place. Kaya higit na kaabang-abang ang karera sa Linggo na tiyak na dadagsain ng bayang karerista.

Samantala, magkakaharap ngayon ang kalahok sa Additional One Win in Group Races sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite. Sa Race 1, simula ng Winner Take All (WTA), nakalalamang ang KissKissBangBang habang ang Doña Susan ang tatalo isama, sa inyong paratingan sa Quartet, Pentafecta at Super Six ang Twilight Ingrid, Daanbantayan, Casablanca at Batang Em Ai Pee.

Binibigyan ng panalo ang Tango Eco Kieth sa mga kalaban na Gee’s Queen, No Matter What at Atinkupung Singsing sa Condition Race (22) kasabay ng panimula ng Pick 6 sa pag-alagwa ng Race 2. Balikatan ang mangyayaring laban sa Race 3 sa pagitan ng Marino ng Tanglaw at Hayaku Jabez.

Ipinapatok ang Lava Walker habang pang-forecast lang ang She’s My Princess at Refuse To Lose sa Race 4. Sa Race 5, nakalalamang ang Batang Highlander at magsisilbing kalaban ang Scarborough Shoal at magiging parating ang Sizzling Hot sa Race 6.

Ipinapatok ang Bebang, habang ang Sunny Side at Lucky Saver ay susubukang i-forecast sa Race 7. Tip ni Mang Ding: Race 1 - KissKissBangBang (7) Doña Susan (8) Twilight Ingrid (9); Race 2 - Tango Eco Kieth (2) Atinkupung Singsing (6) Race 3 Marino Ng Tanglaw (3) Hayaku Jabez (9) Race 4 Lava Walker (7) She’s My Princess (2) Race 5 Batang Highlander (3) Scarborough Shoal (9) Race 6- Sizzling Hot (9) Be The One (2) Race 7- Bebang (1) Sunny Side (10) WTA (1-7) 6-7-9/2-6-1/3-9/7/3-9/9/1 / Pick 6- (2-7) 2-6-1/3-9/7/3-9/9/1/ Pick 5- (3-7) 3-9/7/3-9/9/1/ Pick 4- (4-7) 7/3-9/9/1.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page