MALINAW NA ALA-ALA Ni: Ronalyn Seminiano Reonico


Koleksiyon ng mga lara-wan, sa isip ay nakikita. Mamula-mulang pisngi’t kulay tsokolateng mga mata. Malaking salaming tumatakip sa nakaaakit mong mga mata. Matangos na ilong at mukhang sadyang sinisinta.
Kuwento ng nakalipas, iyong isinaysay at sa kinabukasa’y sinambit na maghihintay. Ngunit, lahat ay tila mabubuhay na lamang sa nakalipas sapagkat ikaw ngayo’y wala na, lumisan at umiwas.
Sapat na salita’y hindi mailapat, hindi masambit. Hindi batid ang dapat gawin upang mawala ang sakit. Alaala’y tila nanlalabo’t unti-unting nabubura. Mga bagay na dulot ay sakit, tila dapat nang isara.
Tayo’y muling naririto sa ilalim ng gabing kulimlim. Pagsasayaw sa gitna ng dilim at damdaming kaylalim. Sa gitna ng hagda’y alaala sa isip ay muling naglaro. Magkaibang wika’y sa puso’y napuno ng pagkalito.
Marahil, kayraming mga tanong ang sa iyo’y ibinato. Ito’y mahalagang bagay na tila dinungisang obra. Ako’y tila nilukot na papel, mga alaala’y, bakit bumabalik? Nais nang tumakbo palayo sa mundo habang nasa isang sulok.
Alaala’y tila unti-unting nagiging malinaw sa isipan. Kung kailan nais nang itapon, iwaksi’t kalimutan. Ika’y muling tumawag, tinig ay muling narinig, kaylamlam. Hindi upang ayusin ang lahat kundi upang tuluyang mamaalam.
Ako’y dinurog, tila ipinako na parang isang pangako. Sadyang kay sakit ng mga salitang tapat at totoo. Aking naalala ang lahat nang kaylinaw kahit malayo. Ang oras ay hindi na muling lilipad nang matayog na tila paralisado.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments