'Mag-asawa' niratrat ng holdaper, todas

PINATAY ang mag-live-in partner saka tinangay ang kita ng tindahan sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.
Ilang tama ng bala ang agad tumapos sa buhay nina Marlo Landreza, 54, empleyado ng Taguig City Hall at Girlie Gacer, 49, ng Bgy. Upper Bicutan.
Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek.
Base sa ulat ni Taguig City Police Chief P/Col. Alexander Santos, alas-9:10 ng gabi nang maganap ang panghoholdap sa Ukay-Ukay and Variety Store na nasa tirahan din ng mga biktima.
Dumating ang mga suspek na armado ng hindi pa batid na kalibre ng baril saka pinagbabaril ang mga biktima.
Sa kuha ng CCTV ng barangay, bago ang insidente, dalawang lalaki ang nakitang galing sa Sitio Imelda St. at makalipas ang ilang minuto, nakita ang pagtakbo ng mga ito dala ang sling bag.





Comments