top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Kahalagahan ng Certificate of Compliance mula sa local Family Planning Office

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 17, 2019
1 min read

Dear Chief Acosta, Gustong magpakasal ng anak ko at ng kanyang GF subalit, nang sila ay kumuha ng marriage license sa Local Civil Registrar, hindi sila binigyan nito dahil kinakailangan daw muna nilang kumuha ng Certificate of Compliance mula sa Family Planning Office. Tama ba ito? — Anna

Dear Anna, Para sa inyong kaalaman, ang inyong suliranin ay tinatalakay sa Republic Act No. 10354 o “The Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012”. Nabanggit sa Section 15 ng nasabing batas na:

“Section 15. Certificate of Compliance. – No marriage license shall be issued by the Local Civil Registrar unless the applicants present a Certificate of Compliance issued for free by the local Family Planning Office certifying that they had duly received adequate instructions and information on responsible parenthood, family planning, breastfeeding and infant nutrition.”

Malinaw na nabanggit sa probisyon ng batas na hindi maaaring mabigyan ng marriage license ang mga aplikante kung wala silang maipakikitang Certificate of Compliance mula sa Family Planning Office na nagpapatunay na sila ay sumailalim na sa akmang pag-aaral at sila ay nabigyan na ng kaukulang impormasyon tungkol sa pagiging responsableng magulang, family planning, breastfeeding at infant nutrition.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page