HOROSCOPE | Hulyo 17, 2019 (Miyerkules)
- BULGAR

- Jul 17, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYON HULYO 17, 2019 (Miyerkules): Malayo ang iyong mararating. Sa maraming larangan ng buhay, ikaw ay magtatagumpay at maraming bansa ang iyong mapupuntahan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbababala ang araw ngayon at ang ilang araw pang darating na darayain mo ang iyong sarili. Mahihirapan kang magpakatotoo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-18-20-24-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon mo kailangang magplano para sa magandang kinabukasan mo. Malinaw ang iyong isipan at ang mga naggagandahang pormula ng tagumpay ay maiisip mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-13-18-29-32-35.
GEMINI (May 21- June 20) - Huwag mong akalaing ito ay gabay ng kapalaran at nasa sa iyo kung susundin mo. Sa mga araw na ito, kahit pa ayaw mo, magbabago ang iyong desisyon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-16-21-26-38-45.
CANCER (June 21- July 22) - Kung sino ang nasa malayo, siya pa ang makatutulong sa iyo. Ang nasa malapit ay tutulungan ka rin kaya lang hindi bukal sa kanilang kalooban. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-18-25-28-31-36.
LEO (July 23-Aug. 22) - Bago ka magbigay ng tulong, bumilang ka muna ng sampu. Kapag hindi mo ito sinunod, ikaw na mismo ang magsasabi sa sarili mo na naisahan ka ulit ng dating lumapit sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-25-26-37-40-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Totoo bang ang nagtampong ibon ay muling bumabalik sa kasuyong ibon? Ito ay totoong-totoo dahil ikaw ay mag-iisip kung paano ka babalik sa dati mong nakarelasyon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-21-23-30-35-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bakit mo pipigilan ang makulit? Hayaan mong maranasan niya na ang makulit ay nabibigo nang paulit-ulit. Pero, ang marunong maghintay ay nagtatagumpay. Ito ang araw na para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-25-27-33-39-46.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung nagbago ang iba, huwag kang gumaya. Ito ang sikreto para hindi malugi ang iyong negosyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-11-12-25-29-32.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagpapalit ng mga balahibo ang mga ibon upang harapin ang bagong umaga. Palitan mo ang kulay ng lugar ng iyong negosyo nang sa gayun, ikaw ay mabilis na umasenso. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-11-15-19-28-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang matakot na magdagdag ng mga kaibigan. Ang huwag na huwag mong gagawin ay ang sobrang mapalapit sa mga bago mong kakilala dahil hindi ito makabubuti para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-17-20-26-27-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Gamitin mo ngayon ang iyong naipong kaalaman. Tulad ng mga alahas na nasa taguan, ang mga kaalamang hindi ginagamit ay walang kabuluhan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-18-22-27-33-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iyung-iyo ang araw na ito. Huwag na huwag kang matakot na makipagsapalaran. Ang dapat matakot ay ang mga hahamon sa iyong kakayahan at likas na pagiging buwenas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-14-15-28-30-35.




Comments