top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Hirit ng Comelec | VOTER’S CERTIFICATION, GAWING LIBRE

Madel Moratillo
Jul 17, 2019
1 min read

IPINANUNUKALA ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na gawing libre ang pagbibigay ng voter’s certification sa mga rehistradong botante na nangangailangan nito.

Ayon kay Guanzon, ito ang kanyang isinulong sa Comelec en banc na maglabas ng polisiya at gawing libre ang pagbibigay ng naturang sertipikasyon.

Maaari aniyang magamit ng mga mamamayan, partikular na ng mga kasambahay ang naturang certificate bilang valid identification card dahil makikita na rin dito ang kanilang larawan.

Ang hakbang ni Guanzon ay dahil hindi nito nagustuhan ang ginagawang pagkuwestiyon ng ground crew ng isang airline sa mga kasambahay kung mayroon bang ID ang mga ito dahil napapahiya umano sila.

Wala naman aniyang batas na nagsasabi na hindi ka maaaring sumakay ng eroplano nang walang government ID.

Matatandaang, itinigil na ng Comelec ang pag-iisyu ng voter’s ID sa mga botante noon pang 2012 matapos ang panukalang pagkakaroon ng national ID system sa bansa.

Dahil dito, upang patunayang isa kang rehistradong botante ay kailangan munang kumuha ng voter’s certification mula sa Comelec.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page