Granada, natagpuan sa iskul

NAGULANTANG ang mga residente maging ang ilang mag-aaral sa elementary school sa Bgy. San Isidro, Kiblawan, Davao del Sur dahil sa pagkakatagpo ng buhay na granada, kamakalawa ng umaga.
Ang pagkakatagpo sa MK2 fragmentation grenade ay nasa labas lamang ng naturang paaralan.
Ayon kay Police Senior Master Sergeant Kevin King, sira na ang fuse ng granada pero, intact ang detonator nito at maaari pang sumabog.
Ang mismong mga tauhan ng paaralan ang nakadiskubre sa pampasabog na agad tumawag sa pulisya.
Dinala na sa provincial police headquarters ang granada para sa proper disposal nito.





Comments