Company bus tinangay ng driver, kulong

TIMBOG ang isang driver matapos tangayin ang bus ng kanilang kumpanya sa Las Piñas City, kamakalawa.
Kinilala ang suspek na si Dante Alingangay.
Inireklamo ito si Edlyne Guiang, HR manager ng Viking Rent a Car Services.
Base sa ulat, naaresto sa ikinasang follow-up operation ng mga tauhan ng Police Community Precinct 7 ang suspek sa Hernandez Compound, Bgy. Almanza Uno sa Las Piñas City, alas-3:30 ng hapon.
Batay sa imbestigasyon, bigla na lamang tinangay ng suspek ang nakaparadang company bus na KIA Grandbird Model 2016 na may plakang 1301754950, sa Alabang-Zapote Road, Bgy. Pamplona Uno, nitong Marso 15, 2019, alas-11:05 ng umaga.
Napag-alaman na nakuha sa suspek ang tinangay nitong company bus.





Comments