top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

CAPACITY BUILDING PROGRAM NA HANDOG NG PCUP SA MGA MARALITA, PANALO!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 17, 2019
  • 2 min read

BILANG kaagapay ng mga maralita, sinisiguro ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) na maipaabot ang de-kalidad at angkop na serbisyo para sa mas malawak na hanay ng mga mahihirap. Parte nito ay ang pagbibigay ng training na kapaki-pakinabang sa kanila.

Tanong: Gusto ko sanang ilapit sa inyo ang nalalapit na demolisyon sa aming lugar. Hindi namin alam ng mga kasamahan ko ang dapat gawin tungkol dito. Maaari n’yo ba kaming tulungan para malaman namin ang proseso ng demolisyon para alam namin ang karapatan naming mahihirap? — Arthur ng Taytay

Sagot Magandang araw sa iyo, Arthur! Nagsasagawa ang PCUP ng iba’t ibang trainings na tinatawag na Capacity Building Program (CBP). Karaniwang ibinibigay ito sa mga PCUP-accredited na Urban Poor Association (UPA) at tinatalakay nito ang usapin ng livelihood, batas pangmaralita, organizational management, leadership at iba pa.

Sa ilalim ng mga pagsasanay na ito, ibinabahagi sa mga lider ng samahan ang sapat na kaalaman at kasanayan hinggil sa naturang usapin. Sa inyong kaso, Arthur, maaari kayong mabigyan ng orientation tungkol sa tamang proseso ng demolisyon at ebiksiyon sa mga underprivileged and homeless citizen. Sa pamamagitan nito, maaari nating malaman kung naaayon sa batas at makatao ang gagawing pagpapaalis sa atin. Malalaman din natin ang mga hakbang na kailangang gawin ng ating samahan para masigurong hindi tayo maaagrabiyado.

Sa pagsisikap ng PCUP, maraming lugar sa buong bansa ang nabigyan ng training. Walang bayad o anumang sinisingil ang PCUP sa paghahatid ng serbisyong ito.

Mas mapadadali ang pagkakaroon ng training sa inyong lugar kapag ang samahan natin ay accredited na ng PCUP sapagkat kabilang ito sa mga benepisyong natatamasa ng mga accredited UPA.

Para makatanggap din ng serbisyong tulad nito, maaari tayong mag-request at sumulat sa pamunuan ng PCUP o idulog ang inyong request sa nakatalagang AC sa inyong lugar o lumapit sa ating lokal na Urban Poor Affairs Office o katulad na opisina.

Kung kayo ay mayroong katanungan, suhestiyon o ihihingi ng tulong, maaari kayong magtungo o sumulat sa PCUP Central Office, 4th flr. DHC Bldg., 1115 EDSA, Project 7, Quezon City o mag-email sa pcup.media2019@gmail.com o mag-message sa ating Facebook page na @PCUPOfficial.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page