top of page
Pokwang.jpg

Bebot timbog sa P2.6-m shabu

Maeng Santos
Jul 17, 2019
1 min read

NASA P2.6 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang babae sa Navotas City.

Kinilala ang dinakip na si Monalisa Doria alyas Holy, 44, ng Bgy. North Bay Boulevard South Proper.

Alas-12:00 ng tanghali nang ikasa ng mga operatiba ng DDEU ng Northern Police District sa pangunguna ni P/Maj. Antonio Naag ang buy-bust operation kontra sa suspek sa kanyang bahay sa koordinasyon sa PDEA matapos ang surveillance operation.

Nagpanggap na buyer si PCpl. Michael Castro na nagawang makipagtransaksiyon kay Doria ng dalawang sachets ng shabu kapalit ng P2,000 at nang magkaabutan, agad sinunggaban ang suspek.

Ani DDEU PSSg. Rodney dela Roma, narekober sa suspek ang buy-bust money at limang medium sachets na tumitimbang ng 382 gramo na nasa P2,597,600 ang halaga.

Ayon kay Maj. Naag, matagal na nilang minamanmanan si Doria na kinakasama ng isang alyas Michael na unang nadakip at kasalukuyang nakapiit dahil din sa pagkakasangkot sa iligal na droga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page