top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

AMIT AT LINING, NAKAHABLOT NG PODIUM SA JAPAN OPEN

  • Eddie M. Paez, Jr.
  • Jul 17, 2019
  • 1 min read

NAGSIMULA sa magandang resulta ang maaksiyong buwan ng Hulyo pagdating sa larangan ng sarguhan matapos na makahablot ng mga upuan sa podium sina Rubilen Amit at Antonio Lining sa prestihiyosong Japan Billiards Open sa New Pier Hall ng Japan.

Pumangalawa sa bakbakang 9-ball sa kababaihan si Amit, samantalang pumangatlo ang batikang cue artist na si Lining sa grupo ng mga lumaban sa men’s 10-Ball. Kasama sa mga tinuruan ng Cebuana ng aral sina Angeline Ticoalu ng Indonesia noong semifinals (7-3), kababayang si Chezka Centeno (7-2) sa quarterfinals at ang mga local bet noong preliminaries na sina Keiko Yukawa (8-5), Ayako Maruoka (7-2) at Yumiko Takahashi (7-2).

Tiklop sina Katsuji Teruya (8-7), Toshiyuki Haraguchi (9-2), Shosuke Hamada (9-2), Saeseko Izumi (9-2) at Masato Yoshioka (8-1) kay Lining kaya nakapasok ang Pinoy sa final 4.

Samantala, sasargo rin ang mga Pinoy sa 2019 World 10-Ball Championship bukod pa sa panghimagas na $17,000 Diamond Open Championship sa Nevada.

Sa balikat nina Carlo Biado, Johann Chua, Jeffrey Ignacio, Alex Pagulayan, Zoren James Aranas, Roberto Gomez at ang beteranong si Warren Kiamco nakapatong ang pag-asang muling magkakaroon ng isang world champion na galing sa lahing kayumanggi.

Si Biado ang prominente sa mga manunumbok na Pinoy dahil sariwa siya sa isang runner-up finish katuwang si Jeffrey “The Bull” De Luna sa prestihiyosong World Cup of Pool sa England kamakailan at siya rin ang bridesmaid ng 2019 World Pool-Billiard Association (WPA) Players Championship at ng pinakahuling World 9-Ball Championships.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page