top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Alamin mula kay Señor... KAALAMAN KUNG PAANO TATALUNIN ANG LUNGKOT

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 17, 2019
2 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Lenlen ng Len_Len_Santos @facebook.com

Dear Señor, Naaapektuhan na ako ng lungkot. Sa trabaho ko ay hindi ako gaanong makapag-concentrate. Tapos, sa bahay ay tamad na tamad ako at alam ninyo, hirap akong makatulog, may paraan ba para mawala ang aking lungkot? Kaya ako malungkot ay dahil nagkahiwalay kami ng boyfriend ko, mahal na mahal ko kasi siya. Sana, masagot ninyo ito. Naghihintay, Lenlen

Sa iyo Lenlen, Ang paghihiwalay ng magkarelasyon ay numero-unong dahilan ng kalungkutan dahil ang tao ay nangangailangan ng pagmamahal, kailangan din niya na may yayakap sa kanya at may yayakapin siya.

Ito ang patunay na ang tao ay hindi puwedeng mabuhay nang mag-isa at ang salitang “mabuhay” ay ang mabuhay nang masaya.

Ang totoo, marami ang nabubuhay nang mag-isa, pero lihim lang ang kanilang malungkot na buhay.

Mahirap tanggapin na rito sa mundo, hindi kontrolado ng tao ang mga nangyayari sa kanya. Kaya ang mga taong gumagawa ng kanilang kapalaran ay nagyayabang, as in, nasobrahan sa pag-aakalang kaya nila ang lahat. May kumokontrol sa buhay ng tao at ito ay walang iba kundi si God. Puwede ring sabihin natin na ang langit ay may plano sa bawat tao at ang ibig sabihin ng “langit” ay ang puwersang mas makapangyarihan sa tao na siya ring nakaaalam kung ano ang mabuti para sa lahat.

Kaya dapat mong maunawaan na hindi ikaw ang may kasalanan at hindi rin ang boyfriend mo ang talagang umayaw sa iyo kundi ang mismong langit ang hindi payag na kayo ay magkatuluyan, ito ay dahil ang makatutuluyan mo ay ang talagang iyong kapalaran na sa ibang panahon mo pa makikilala. Alam mo, hindi mahirap talunin ang lungkot, kaya subukan mo ang mga sumusunod:

1. Una, isuot mo ang iyong paboritong damit. 2. Bumili ka rin ng bagong mga damit. 3. Kahit sinasabing bawal at masama sa kalusugan, kumain ka ng matatamis tulad ng ice cream, milk tea at iba pa. 4. Kumain ka rin ng mga imported na chocolates. 5. Kainin mo ito nang dahan-dahan o hayaan mo lang na matunaw sa iyong bibig. Simpleng-simple lang, ‘di ba? Kaya bumili ka na ng chocolates! Good luck and God bless!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page