Bebot na asar sa mga kaklaseng bida-bida
- ROMA AMOR
- Jul 17, 2019
- 1 min read

Dear Roma, Magandang araw! Ako si Val, alam ninyo, nakakainis ‘yung mga kaklaseng bida-bida sa klase. Ang masaklap lang, eh, patok na patok sa mga guro ang pagiging bida-bida nila. Ano ang magandang gawin para ma-handle ang mga taong bida-bida? — Val
Val, Sa klase, hindi maiiwasan ang mga bida-bidang kamag-aral. Ang maipapayo namin sa iyo ay hayaan mo lang sila kung saan sila masaya. Hanggang hindi sila gumagawa ng mga bagay na matatapakan ka, ayos lang ‘yun. Mag-focus ka sa pag-aaral mo at huwag mo silang pansinin. Kung ipahahalata mo sa kanilang naiinis ka,, malaki ang posibilidad na lalo silang gagawa ng mga bagay na makapagpapainis sa iyo. Pagbutihan mo lang sa klase. ‘Yun lang, God bless you!




Comments