top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

10 milyong estudyante target mabakunahan - DOH

  • Madel Moratillo
  • Jul 17, 2019
  • 1 min read

AABOT sa 10 milyong batang mag-aaral sa buong bansa ang target na mabigyan ng libreng bakuna ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, sinimulan nilang ipatupad ang programa nang magbukas ang klase nitong Hunyo at ngayon aniya ay 12% hanggang 14% pa lamang sa 9,913,032 mag-aaral na kanilang target ang kanilang nababakunahan.

Tiniyak naman ng kalihim na magpupursige ang DOH at mga lokal na pamahalaan upang maabot ang kanilang target sa lalong madaling panahon. Kumpiyansa si Sec. Duque na wala silang magiging problema dahil ‘captive market’ naman na aniya ito dahil nasa loob na ng eskuwelahan ang mga batang kanilang babakunahan at hindi na kailangan pang puntahan sa kanilang mga bahay.

Kaugnay nito, nanawagan at muling hinikayat ni Duque ang mga magulang na huwag matakot at payagan ang kanilang mga anak na magpabakuna ng libre upang makaligtas sa karamdaman.

Kahapon, pinangunahan ni Duque at ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagbabakuna sa mahigit 50 estudyante ng Ramon Magsaysay High School sa Sampaloc, Manila.

Ang naturang mga mag-aaral ay nabigyan ng libreng bakuna laban sa tigdas at diphtheria.

Tiniyak naman ng pamunuan ng Ramon Magsaysay High School na ang mga estudyante na kanilang pinabakuhan ang may permiso ng mga magulang o guardian.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page