VENDOR TIMBOG SA SHABU
Pabs Hernandez III
Jul 16, 2019
1 min read
NUEVA ECIJA—Isang vendor ang inaresto ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Pinagpanaan, Talavera sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Alexander del Mundo, nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 10 sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Del Mundo na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments