top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Mga tatay na hindi nagsusustento, mahiya naman kayo!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 16, 2019
1 min read

Pagiging madiskarte at wais ang paraan ng maraming single mom para mabuhay nilang mag-isa ang kani­lang anak.

Ito ay dahil sa problema ng ilang solo parents ang pag­hingi ng sustento mula sa dating asawa o kinakasama para sa ka­nilang anak.

Ipinaaalala sa mga single mom na maituturing na kasong krimi­nal ang hindi pagbibigay ng suportang pinansiyal ng ama sa bata. Kasal man o hindi, sakop dito ang mga biological father ng bata.

Ikinokonsiderang paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act ang hindi pagbi­bigay ng sustento sa pamilya, partikular sa anak dahil isa itong uri ng pang-aabuso sa aspetong pinansiyal.

Mayroon umanong mga pamantayang maaaring sundan para matukoy kung maaaring kasuhan ng solo parent ang biological father ng bata kung mabibigo itong magbigay ng sustento.

Sakaling mapatunayang hindi nagbibigay ng sustento sa anak, prison correctional o pagkakakulong nang anim na buwan hang­gang anim na taon at multang P100,000 hanggang P300,00 ang maaaring ipataw sa ama.

Sa panahon ngayon, hindi madaling magpalaki ng bata, lalo na kung mag-isa ang magulang sa pag-aalaga at pagsagot sa gastusin.

Ang pagkakaroon ng anak ay responsibilidad, sa mga tatay na hindi nagsusustento at nagpapakaama, mahiya naman kayo!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page