top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga plano ng gobyerno sa pagsasaayos ng pantalan at paliparan sa bansa, kulayan!

  • Ryan B. Sison
  • Jul 16, 2019
  • 1 min read

MATATANDAANG, bahagi ng inclu­sive growth agenda ng gobyerno ang pro­grama na ayusin ang mga pangunahing pantalan at paliparan sa bansa.

Kaya good news dahil handang su­portahan ng Kamara ang bubuuing 30-year transport roadmap na makatutu­long para maging in­ternational facilities ang nasabing establi­simyento.

Gayunman, kapag na-upgrade na ang mga airport, makapagbibigay umano ito nang pantay-pantay na kaunlaran sa mga rehiyon na magpapalago sa ekonomiya.

Samantala, kabilang sa ia-upgrade ay ang Tacloban Airport na sinira ng Super Typhoon Yolanda noong 2013.

Dagdag pa rito, kung sakaling tututu­kan na ang pagmomodernisa ng 40 pa­liparan sa bansa, kakailanganing dob­lehin ang pondo, pero dapat gamitin ito sa matalinong paraan nang sa gayun ay hindi masayang.

Sa paraang ito, maaaring matuldu­kan na ang mga kontrobersiya hinggil sa mga air­port na bulok, pero siguradu­hin din sanang hindi lang kagandahan ng airport ang aayu­sin kundi maging ang mga empleyado na pasaway.

Kaya ang paalala natin sa mga mam­baba­tas, kumilos na para hindi manatiling pro­grama ang transport roadmap!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page