top of page
Pokwang.jpg

Kelot tinodas sa harap ng mga katoma

Maeng Santos
Jul 16, 2019
1 min read

ISANG helper ang na­matay matapos barilin ng hindi kilalang suspek sa harap mismo ng kanyang mga ka­inuman sa Malabon City, ka­makalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Os­pi­tal ng Malabon sanhi ng tama ng bala sa dibdib at ki­likili si Mark Ogaya, 39, ng Bgy. Longos.

Ayon kina PSSgt. Ri­chard Andrew Calaycay at PSSgt. Ernie Baroy, alas-7:50 ng gabi, nakikipag-inu­man ang biktima sa ilang kasamahan sa loob ng Rodeo Motors Tracking Surplus Ja­pan sa Gen. Borromeo St., Bgy. Longos nang puma­sok ang hindi kilalang suspek saka binaril sa dibdib at kili­kili si Ogaya.

Patuloy ang follow-up investigation sa posibleng pagkakakilanlan at pagkaka­aresto sa suspek habang ina­alam pa ang motibo sa in­sidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page