HOROSCOPE | Hulyo 16, 2019 (Martes)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG HULYO 16, 2019 (Martes): Nakatutuwa ang kapalaran mo dahil paulit-ulit na aayusin ng langit ang buhay mo kahit pa mali-mali ang pagpapasya mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19 - Hindi mo dapat pakinggan ang payo na huwag mong piliin ang maganda sa mga mata. Ang totoo, ito ang susi para magtuluy-tuloy ang iyong sigla at sigasig hanggang sa magtagumpay ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-14-18-20-24.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ibinalik ng langit ang araw na ikaw ay masuwerte. Kaya ang nag-aakalang huminto na ang buwenas mo ay masosorpresa at walang magagawa kundi ang mamangha. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-15-21-28-34-38.
GEMINI (May 21- June 20) - Malaki ang posibilidad na mabihag ka ng may pagtingin sa iyo. Gayunman, wala kang dapat ipag-alala dahil sanay kang tumakas sa sitwasyong dehado ka. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-20-25-28-31-39.
CANCER (June 21- July 22) - Nagising ang malakas mong karisma. Magagamit mo ito bilang panggayuma at puwedeng-puwede rin itong magamit para mabilis na umasenso ang buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-21-25-39-41-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hawakan mong mahigpit ang mga makalumang aral sa buhay, ito ang magliligtas sa iyo sa banta ng maling pakikipagrelasyon na sa huli ay malaking pagsisisi. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-14-18-26-37-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi mo alam, pero marami ang humahanga sa iyo dahil sa talas ng isipan mo. Marami sa kanila ay gusto kang maging bahagi ng kanilang buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-25-28-30-35-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyung-iyong ang araw na ito at ang ilang araw na darating. Tulad ng ulan na bumubuhos nang malakas, ang magagandang kapalaran ay babaha sa iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-17-28-34-36-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ibalik mo ang dating pormula na ginamit mo nang ikaw ay nagsisimula pa lang sa iyong negosyo. Kadalasan, ang pagkakamali ang nagpapabago sa tao. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-10-14-27-31-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano lang ang kaya mong ibigay ‘yun lang dapat ang ibigay mo. Hindi dapat maulit ang dati na maliit lang ang kailangan, pero sobrang malaki ang iyong ibinibigay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-17-29-30-33-37.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mahina ka ngayon dahil mabilis kang magkakagusto. Puwede kang lumakas basta hindi mo ipahahalata ang laman ng iyong damdamin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-22-27-35-40-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sobrang nakatutuwa ang kapalaran mo dahil naniwala ang may gusto sa iyo na ikaw ay seryoso, pero ang totoo, magbabago ang akala mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-19-23-25-38-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumayo ka muna sa sobrang makulit at mapagpumilit. Hindi niya alam na kahit makulit ka at mapilit, sa huli, ang pipiliin mo ay ang malayang pamumuhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-17-24-27-39-41.




Comments