Feeling hopeless dahil sa pagiging makalilimutin
- ROMA AMOR
- Jul 16, 2019
- 1 min read

Dear Roma,
Tawagin n’yo na lang akong Nikka. Alam ninyo, namumroblema ako ngayon. Naiinis na rin ako sa sarili ko sa pagiging makalilimutin. Naging mahina ang memorya ko dahil grade school pa lang ako ay umiinom na ako ng memory enhancing na gatas. Hindi ko alam na makaaapekto ito pagdating ng panahon. Nahihirapan tuloy akong mag-aral dahil mabilis kong nakalilimutan ang mga leksiyon. Ano ang dapat kong gawin? — Nikka
Nikka,
Mayroong iba’t ibang tips para madali mong maalala ang mga leksiyon tulad ng pagbibigay ng acronyms o ‘yung bawat letra ng paborito mong salita na patungkol sa inyong leksiyon. Puwede ring mag-isip ka ng ilang taong kakilala mo at isipin mong sila ang nasa leksiyon ninyo. Pero, dapat ka ring kumonsulta sa doktor at magpareseta ng memory supplements. Nawa ay makatulong sa iyo ang aming suhestiyon. God bless!





Comments