top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Ex-BF, lantaran na raw kasi sa bagong GF… HIRIT NG NETIZENS: ANGELICA, INGGIT LANG KAY CARLO KAYA TO

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 16, 2019
1 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

KUMAKALAT ngayon ang litrato ni Angelica Panganiban kung saan makikitang niyayakap siya ng isang foreign guy.

Ang litrato ay ipinost ng naturang foreigner na may account name na @luck_inthev at nilagyan pa niya ng caption na: “Hugs are important.”

Marami ang natutuwa para sa aktres dahil mukhang nahanap na raw niya ang guy na magpapasaya sa kanya sa kata­uhan ng foreigner.

Taga-Venice, California raw ang guy at isa itong hip hop artist. Ang haba rin ng hair ni Angge (palayaw ni Angelica) dahil composer, singer at may clothing line rin daw ang lalaki.

Pinuri rin ng mga netizens ang looks ng guy dahil ito raw ang pinaka-yummy sa katawan at hitsura sa lahat ng mga naging BF ng aktres.

Pero hindi pa rin talaga nawawala ang mga bashers na sinasabing paandar lang ito ni Angelica dahil open na ngayon si Carlo Aquino sa publiko tungkol sa GF niyang model na si Trina Candaza. Marami kasing kumakalat na litrato nina Carlo at Trina na kuha sa iba’t ibang lugar at party.

Ipinagtanggol naman ng mga netizens si Angelica at sinabing hindi ito paandar ng aktres dahil ang guy mismo ang nag-post ng litrato nila sa sarili nitong Instagram account at mukhang proud na proud din daw ang hip hop artist kay Angelica.

Marami naman ang nagwi-wish na ito na raw sana ang guy na magpapasaya kay Angelica pagkatapos ng lahat ng heartbreaks na pinagdaanan niya sa kanyang mga dating karelasyon.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page