11 yrs. old ni-rape ng kapitbahay
- Levi Gonzales
- Jul 16, 2019
- 1 min read

KALABOSO ang 53-anyos na lalaki matapos umano nitong halayin ang 11-taong gulang na kapitbahay sa Bgy. Bagong Bayan, Mauban, Quezon.
Kasamang nagtungo sa pulisya ang ama ng biktimang si alyas Jade, 11, estudyante. Isinalaysay nitong pasado alas-2:00 ng madaling-araw nang pasukin siya ng suspek na si alyas Bart.
Mahimbing umano ang kanyang pagkakatulog kung saan sinimulan siyang hubaran nito saka hinalay. Matapos ang insidente, agad na tumakas ang suspek.
Ipinagtapat naman nito sa kanyang ama ang sinapit sa suspek kaya sa tulong at agarang aksiyon ng pulisya ay nasakote si ‘Bart’. Mahaharap ang suspek sa ilang kasong isasampa laban sa kanya habang sumailalim sa counseling ang biktima.





Comments