Sey ng experts... ASUKAL, KERING MAKAGALING NG SUGAT!
- BULGAR

- Jul 15, 2019
- 1 min read

MAY iniinda ka bang sugat ngayon, besh? Ooops, hindi sugat sa puso ang tinutukoy natin kundi sugat na sariwa. Ha-ha-ha! Knows ba ninyo na bukod sa paglalagay ng betadine, agua oxinada at band aid ay keri rin umanong gamiting pampagaling ng sugat ang asukal? Nice!
Ayon sa mga eksperto, ang paggamit ng asukal sa pagpapagaling ng sugat ay 3 beses na mas mabilis kaysa sa ordinaryo paggagamot dito, ito ay dahil ang asukal ay nakatutulong para alisin ang bakteryang mayroon ang sugat kung saan ang ‘saline feeds’ o tissue ay nagpo-promote ng rapid health sa balat.
Gayunman, ang paraang ito ay hindi lamang nililimitahan sa mga tao kundi keri rin ito para sa mga hayop.
Samantala, ang pag-aaral ay pinangunahan ni Moses Murandu mula sa Wolverhampton University kung saan ang kanyang tatay ang nagsimula ng ganitong gawain sa pagpapagaling ng kanilang mga sugat noong sila ay bata pa.
Nakatutuwa dahil hindi lang pala pampatamis ang asukal dahil keri rin nitong pagalingin ang sugat na mayroon tayo.
Kaya ang payo ng mga eksperto, kung may sugat kayo na dehins pa gumagaling kahit ano ang gawin ninyo, subukan ninyong lagyan ito ng asukal, gayundin, mainam na kumonsulta kayo sa doktor nang sa gayun ay malaman ninyo kung ano ang iba pang dahilan kung bakit hindi pa ito gumagaling.
Dagdag pa rito, ang hindi kaagad paggaling ng sugat ay isa sa mga indikasyon na mayroon na kayong diabetes, kaya make sure na magpapa-check-up talaga kayo.
Oh, ayan, para sa mga beshy natin diyan na madalas masugatan, alam n‘yo na, ha? Okie?





Comments