PARKS PINASIKLAB ANG ELITE SA 3RD SPOT VS. ACES


TUMIBAY ang kapit ng Blackwater Elite sa third spot matapos kalusin ang Alaska Aces, 112-104 kagabi sa PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum. Umiskor si Bobby Ray Parks Jr. ng 25 points upang ilista ang 7-4 record ng Elite.
Dikdikan ang labanan sa unang dalawang periods, isang puntos ang lamang ng Blackwater Elite, 56-55 sa halftime. Naging matatag ang Elite sa third canto kaya nanatili sila sa unahan, 80-78 papasok ng fourth.
Samantala, nais tuldukan ng Magnolia Hotshots ang three-game skid pagharap nila sa nangungunang TNT KaTropa sa Miyerkules sa Araneta Coliseum. Tangan ang 5-5 karta, sisikapin ng Hotshots na makuha ang panalo sa KaTropa para magkaroon ng tsansa na makapuwesto sa fourth place pagkatapos ng 11-game single round eliminations.
Yumuko ang Pambansang Manok Magnolia Hotshots sa kanilang huling laro kontra Rain or Shine Elasto Painters, 82-86. (ATD)





Comments