NAKAHINGA NANG MALUWAG ANG GILAS, BLATCHE DUMATING


MAAGANG nakumpleto ang Gilas Pilipinas pool na naghahahanda para sa darating na FIBA World Cup sa China sa susunod na buwan sa pagdating noong weekend ng naturalized center na si Andray Blatche.
Si Blatche na nanggaling sa US ay sinalubong ni bagong Gilas team manager Gabby Cui noong Sabado at nagtanghalian sila kasama nina coach Yeng Guiao at Samahang Basketbol ng Pilipinas’ (SBP) special assistant to the president Ryan Gregorio.
Base sa kanilang nakita, sinabi ni Cui na tila nasa kondisyon naman si Blatche. Ngunit, makukumpirma lamang nila kung talagang nasa kondisyon si Blatche sa pagdalo nito sa ensayo ng national team ngayong araw sa Meralco gym.
Natuwa naman si SBP president Al Panlilio sa maagang pagdating ni Blatche sa bansa para makasama ng Gilas Pilipinas sa kanilang preparasyon sa FIBA World Cup.“It is a great development that he is here early to get reacquainted with his teammates and coaches as we get ourselves ready for the FIBA World Cup in China,” pahayag ni Panlilio. (V.A.)





Comments