top of page

Malinaw ayon sa birthday... BABAENG NAKATAKDANG PILIIN NG BF KUNG COMPATIBLE ANG KANILANG KAPALARAN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 15, 2019
  • 2 min read

Dear Maestro,

May boyfriend ako ngayon kaya lang may ka-live-in partner na siya, pero hindi pa niya asawa ang nasabing ba­bae dahil hindi sila ka­sal at wala pang isang taon silang nagsasama at wala rin silang anak.

Noong huling nag­kausap kami, sabi sa akin ng boyfriend ko, mas mahal daw niya ako kay­sa sa kinaka­sa­ma niya ngayon, kaya nani­niwala ako sa si­nabi niyang iiwanan daw niya ‘yun para sa akin.

Kaya kahit alam kong may ka-live-in na ang boyfriend ko, ma­da­las pa rin kaming mag­kita at may nang­yayari pa­lagi sa amin dahil ma­hal na mahal ko siya kaya kahit gus­tuhin ko mang tu­mang­gi ay hindi ko magawa.

Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo, Ma­estro, dahil nai­isip ko kung bakit ayaw pa ni­yang hiwalayan ‘yung ka-live-in niya kung ma­hal tala­ga niya ako?

Minsan, naiisip ko na baka ginagamit lang niya ako bilang parau­san.

Ano sa palagay ninyo, Maestro, dapat ko pa bang ituloy ang re­lasyon namin ng boy­friend ko at sa ban­dang huli, kami rin kaya ang magkaka­tuluyan? July 4, 1988 ang birthday ng boy­friend ko at No­vember 16, 1990 ang birthday ko.

Umaasa,

Beverly ng Cutcut, Angeles City, Pampanga

Dear Berverly,

“Cuando el amor no es locura, no es amor”, ito ang sabi ng Spanish poet na si Pedro Calde­ron de la Barca, sa wi­kang English, ito ay na­ngangahulu­gang “when love is not mad­ness, it is not love.”

Kung minsan, sad­yang naloloko talaga tayo sa sandaling tayo ay umi­ibig at ang pag­kaba­liw na ito kung pa­niniwalaan na­tin si Pedro Calderon de la Barca ay senyales na “in love na in love” talaga tayo sa object ng ating pag­­nanasahan.

Samantala, sa pagsu­su­ring pang-Astrology, tunay ngang ka-compa­tible ng zodiac sign mong Scorpio ang zodiac sign na Cancer ng boyfriend mo sapagkat ang Scor­pio at ang Cancer ay may iisang elementong tina­tag­lay – ang elemen­tong water o tubig.

Habang sa pagsusu­ring pang-Numerology, sinasabi ring ang weak number mong 16 o 7 (1+ 6=7) ay sadya na­mang tugma sa neutral at uni­que number na 4 ng boy­friend mo kung saan bu­kod sa pagiging tugma ng inyong mga numero, sta­tistically spea­king, mara­ming magka­relasyon na may mga birth date na 7, 16 at 25 ay nakakatulu­yan silang may mga birth date na 4, 13, 22 at 31.

Marami ring may zo­diac sign na Scorpio tu­lad mo ang nakakatulu­yan ay Cancer na tulad ng boy­friend mo.

Samakatwid, anu­man ang mangyari, da­rating ang saktong pa­nahong iti­nakda ng ka­palaran na magdedesis­yon din ang boyfriend mo kung sino ang pipi­liin niya at paki­kisama­han, ikaw o ang ka-live-in partner niya?

Ang mangyayaring tugon ay ganito: “Kung hindi niya ka-compa­tible ang kanyang ka-live-in, sa zodiac sign at sa Nu­me­rology, walang duda, ikaw ang kan­yang pipi­liin upang pakasa­lan at ma­kasama sa pagbuo ng ma­saya at pangha­bam­buhay na pamilya.”

Ayon sa iyong Love Calendar, nakatakda itong mangyari at maganap nga­yong taon sa buwan ng Setyembre o kaya ay Oktubre, sa edad mong 29 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page