Magkaklase patay sa motor
- Janice Baricuatro
- Jul 15, 2019
- 1 min read

PATAY ang dalawang college students makaraang sumemplang ang sinasakyang motor na rumampa sa center island habang bumabagtas sa kahabaan ng Bacoor Boulevard Intersection, Bgy. Niog 3, Bacoor, Cavite.
Kinilala ang mga biktima na sina Jonnie Balanza, 21, driver ng Mio motor at angkas na si Rai Aries Jameson Rint, 22, magkaklase.
Sa imbestigasyon ni PSSg. Allih Rimbang, alas-12:10 ng hatinggabi, magkaangkas ang magkaklase sa motorsiklo at nang nasa intersection na ay bigla umanong nawalan ng kontrol dahilan upang sumemplang at rumampa sa center island.
Nabatid na may kabilisan umano ang patakbo sa motor kaya malakas ang impact ng pagkasemplang. Kapwa napuruhan sa ulo ang dalawa na wala umanong suot na helmet.





Comments