top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Ginang ninakawan na sinaksak pa sa leeg, kritikal

Levi Gonzales
Jul 15, 2019
1 min read

ISANG ginang ang ginagamot matapos saksakin sa leeg at pagnakawan sa Bgy. Mayamot, Antipolo City, Rizal.

Kinilala ang biktimang si Edcel Arios, habang ang suspek ay si Aries Corta.

Pasado alas-10:00 ng gabi, abala sa panonood sa kanyang cellphone ang biktima nang mapansin nitong may tila nagbubukas ng bintana.

Pagtayo nito upang puntahan ang naturang kaluskos, bumulaga ang suspek. Pinadapa siya nito saka sinaksak sa leeg kung saan pinilit pa nitong manlaban.

Ilang saksak pa sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang kanyang tinamo bago nakatakbo palabas at nakahingi ng tulong. Agad siyang nadala sa ospital habang naaresto naman ang suspek sa tulong ng mga barangay official at nagpapatrulyang mga pulis.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page