DRUG TRAFFICKER DEDO SA SHOOTOUT
- Pabs Hernandez III
- Jul 15, 2019
- 1 min read
NUEVA ECIJA—Isang drug trafficker ang napatay nang manlaban ay makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng drug-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Tabing-ilog, Licab sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si Chester Artiaga, nakatira sa Bgy. Dau, Mabalacat City, Pampanga.
Nabatid na darakpin sana sa drug-bust operation si Artiaga, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang pulisya.
Dahil dito, kaagad gumanti ng putok ang mga awtoridad na naging dahilan kaya napatay ang suspek.




