top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Doktor pinagbabaril

Mylene Alfonso
Jul 15, 2019
1 min read

GINAGAMOT ang isang doktor matapos barilin sa Bgy. Quilo-quilo, Padre Garcia, Batangas.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, alas-8:30 ng gabi, nakatayo sa Tamago Restaurant ang biktimang si Dr. CJ Johnson, 48, kausap ang kanyang mga kaibigan.

Hindi pa nagtatagal ang kanilang kuwentuhan nang tumabi sa tagiliran niya ang suspek na si Gerome Tiquis.

Agad siyang binaril sa kaliwang bahagi ng katawan at kaliwang balikat bago tumakas.

Agad na dinala sa pagamutan ang biktima habang sa isinagawang follow-up operation ng pulisya ay nasakote ang suspek.

Patuloy ding mino-monitor ang lagay ng biktima habang inaalam pa ang motibo sa insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page