top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

BATANG PINOY: BAGUIO BABAWI SA NATIONAL FINALS

  • Gerard Arce
  • Jul 15, 2019
  • 1 min read

UMAASA ang koponan ng Baguio na muli nilang maibubulsa ang national crown sa susunod na buwan sa pagbubukas ng Batang Pinoy sa Puerto Princesa City sa Palawan simula Agosto 25 hanggang 31.

Sasandal ang mga ito sa mga contact sport gaya ng Muay Thai, wrestling, judo at wushu, na kilala nang pinagmumulan ng kanilang gintong medalya sa mga nakalipas nitong kampanya sa nasabing palaro.

Ilan din sa mga maaaring pagkunan ng mga ito ng gintong medalya ay ang billiards, cycling at gymnastics.

“We are hoping that these events will help us again defend our crown,” Pahayag ni Baguio City Sports Office coordinator Gaudencio Gonzales. Halos papalo sa 260 atleta ang ipadadala ng City of Pines sa national finals na tinitignang mahigpit na magkakatunggali ang Davao City at Iloilo City para sa korona.

They will give us a hard time, but we are looking forward to retain that title,” wika ni Gonzales na idinagdag na makaaapekto ang patuloy na rehabilitasyon ng swimming pools sa mga swimmer nila.

Idinagdag din ni Gonzales na kahit na pumangalawa lamang sila sa nakaraang Luzon-Leg ng Batang Pinoy laban sa Laguna na may nakuhang 38 gold medals, 35 silvers at 36 bronzes, habang kinapos ito sa 36, 47 at 60 bronze medals, ayon sa pagkakasunud-sunod.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page