Alamin mula kay Señor... KAALAMAN KUNG PAANO MAKATUTULUYAN ANG BF
- BULGAR

- Jul 15, 2019
- 1 min read
Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Amie ng Amelia_Dela_Pena@ facebook.com
Dear Señor,
Hihingi ako ng payo sa inyo dahil palagi na lang bigo ang lovelife ko. Three times na akong nahihiwalay sa mga nagiging boyfriend ko.
Ano ang dapat kong gawin para makatuluyan ko ang magiging boyfriend ko?
Ngayon ay wala akong karelasyon dahil natatakot na ako.
Maraming salamat!
Naghihintay,
Amie
Sa iyo Amie,
Huwag kang matakot, iha, mag-boyfriend ka! Ang katakutan mo ay ang tumanda ka nang wala kang kaagapay, kasama o asawa. Kaya, muli, ang unang payo ay magboyfriend ka.
Sa panahong may boyfriend ka na at kayo ay magde-date, dapat ang laman ng bag mo ay ‘yung mga gamit ng mga pangkaraniwang dalaga.
Iwasan mong mapuno ng kung anu-anong bagay ang bag mo, kumbaga, dapat ay maluwag lang ito at magaan.
Simple lang din ang damit na dapat mong isuot, huwag kang tumulad sa iba na parang a-attend ng party o papasok sa opisina kung magdamit.
Sa bahay, dapat maluwag ang puwesto ng mga kasangkapan at hindi nagkakabungguan o nagkakadikit-dikit.
Ang sarili mong silid-tulugan dapat ay maaliwalas at walang kalat.
Ang kamang tulugan ay hindi dapat nakadikit sa dingding, kaya lagyan mo ito ng espasyo.
Ang kumot ay hindi dapat maliit, gayundin, ang unan.
White o pink dapat ang kulay ng kumot, unan at kobrekama. Maganda rin na ang cabinet mo sa silid-tulugan ay hindi punumpuno.
Ang mga kuwadrong pang-display ay dapat na pangdalaga, iwasan mong maglagay o magsabit ng mga larawang hindi mahalaga para sa iyo.
Ang pinakamahalaga ay ang itapon ang mga alaala na hindi na kailangang balikan pa.
Good luck and God bless!




Comments