5 yrs. old nahulog sa drain pipe

PATULOY ang isinasagawang search and rescue operation kaugnay sa 5-anyos na batang babae na nahulog sa isang culvert o drain pipe sa Bgy. Basak-Pardo sa Cebu City.
Ala-1:00 ng hapon nitong Biyernes nang mangyari ang insidente at sanib-puwersa ngayon ang Quick Response Team (QRT) ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at Cebu City Police Office (CCPO) para masagip ang nawawalang bata.
Batay sa ulat, katatapos lamang maligo ng bata nang manghingi umano ito ng pera sa kanyang ama upang ipambili ng tinapay sa tindahan na hindi kalayuan sa kanilang bahay.
Gayunman, hindi pa man tumatagal ay nagtungo ang isang kapitbahay sa ama at sinabing nahulog sa culvert ang bata. Ayon sa mga saksi, sinubukan umanong abutin ng bata ang nahulog na bola sa culvert pero, aksidente itong nadulas papasok.
Nasa 40 hanggang 50 responders ang naghahanap sa bata sa loob mismo ng culvert.
Hinihinala ng mga awtoridad na inanod ng rumaragasang tubig-baha ang bata dahil sa walang patid na buhos ng ulan ang naturang lungsod.





Drain pipes play a crucial role in ensuring the smooth flow of water through your home or business. Over time, they can accumulate debris, grease, and other materials, leading to blockages. Regular inspection and cleaning of drain pipes can help prevent these blockages and keep your plumbing system running efficiently. By taking preventive measures, such as using drain strainers and avoiding pouring grease down the sink, you can Prevent Drain Blockages and save money on costly repairs. Proper care of your drain pipes is key to maintaining a healthy plumbing system.