‘Di nakapasok sa MMFF… PELIKULA NI NORA, TINANGGIHAN DAW NINA CHRISTOPHER AT TIRSO
- BULGAR

- Jul 15, 2019
- 1 min read

LABIS na ikinalulungkot at pinanghihinayangan ng mga Noranians, ganu’n din ng mga tagahanga nina Christopher de Leon at Tirso Cruz III ang balitang naligwak at hindi raw pumasa sa criteria ng MMFF committee ang pelikulang Isa Pang Bahaghari ng Heaven’s Best Productions na ang bida ay si Nora Aunor kasama ang dalawang aktor at ang premyadong direktor na si Joel Lamangan ang magdidirek.
Powerhouse ang cast at okey na okey sana kung nakapasok sa darating na MMFF 2019. Mas magniningning ang line-up ng mga pelikulang kalahok sa filmfest at mas titindi ang labanan sa box office.
Sinikap naming kunin ang side ng Heaven’s Best Productions tungkol sa nasabing isyu sa entry nilang Isa Pang Bahaghari, pero hindi na sila nagbigay ng pahayag.
May lumulutang namang tsika na diumano, tinanggihan pareho nina Boyet at Tirso ang nasabing pelikula, pero walang dahilang ibinigay ang kampo ng dalawang aktor na malaki ang naging bahagi sa one and only Superstar.
In due time, sure naman kami na may gagawing paglilinaw o statement ang Heaven’s Best Productions tungkol sa pagkakaligwak ng kanilang entry sa MMFF 2019.





Comments