PHL TAEKWONDO 3 GOLDS SA KOREA CHAMPIONSHIPS

IBINULSA ng Philippine Taekwondo team ang tatlong gintong medalya sa nakalipas na Chuncheon Korea Open International Taekwondo Championships nitong nakalipas na Hulyo 4-10 sa Korea. Pinagtulungan nina Aldaine Krisha Laxa, Jocel Lyn Ninobla at Rinna Babanto ang gold medal sa women’s Poomsae event, habang nagwagi rin ang Philippine team sa freestyle individual male at team male.“Nothing is impossible if you put your whole heart into it! Very proud of you all,” pahayag ni Poomsae coach Rani Ann Ortega sa kanyang Facebook post.
Ang kumpetisyong ito ay isa sa mga paghahanda ng koponan para sa 30th edisyon ng Southeast Asian Games (SEAG) na gaganapin sa bansa simula Nobyembre 30 hanggang Disymbre 10. Nakalaban ng Pilipinas ang mga magagaling na manlalaro sa iba’t ibang bansa kabilang na ang powerhouse na team Korea, Kazakhstan, China at iba. Nakamit din ng koponan ang best freestyle male player at best recognized team na determinadong makakuha ng mas maraming medalya para sa bansa sa darating na biennial meet. “We are hoping to win more medals in SEA Games. For the country, for PTA (Philippine Taekwondo Association), and most of All for God. Thank you for all the prayers, love and support,”





Comments